Friday, March 4, 2011

Ang JS Prom 2011; Kung hindi kita mahal




Ika-18 ng Perero taong 2011; Isang gabi ng selebrasyon, gabi ng pinagsama-samang kagandahan at pagmamahal. Tunay ngang ang araw na yon ay isang di malilimutang araw para sa akin, sa aking mga kaibigan at sa iba ko pang mga kamag-aral. Pero ang totoong kakaiba sa gabing iyon, ay ang aking mga mapaglunggating pag-iisip at ang aking matatamis na pagbabakasakali.

Sana nandun siya, sana ayos lang ang damit ko, Sana maganda din ang pakakaayos sa akin, Sana maging okey ang lahat… at sana,     

 sana isayaw niya ako…

Nang hahakbang na ko palabas sa sasakyan, nakaramdam ako ng isang hindi mapalagay na pisolohikal na estado ng tao o ang tinatawag nilang nerbyos. “Salamat sa diyos! Di ako late!”  isang pambihirang katuparan para sa akin ang hindi mahuli ng gabing yaon. Hindi ang kung ano ang itsura ko ang bumabagabag sa akin sahalip ay ang kung ano ang sasabihin niya kapag nakita nya ako ang syang pinaguukulan ko ng attensyon.
Sa tingin ko, mas higit pa ang kaba lalo na kung ikaw ang magpapaumpisa nh ganong kalaking pagtitipon. Ako ang host ng mga oras na iyon. Nagiingat na hindi magkamali, iniisip kong ayos nab a ang boses ko o ayos lng ba ang pakakatayo ko. Isang sulyap ko lang sa kanyang maamong mukha ay sulit na para lumakas ang aking loob.

Pormal na ngang nagsimula ang gabi, handa na ang ilaw, ang musika, mha naggagandahang diag sa kanilang gowns, mga  matitikas na lalaki sa kanilang mga tuxedo at syempre – siya. Ang makita siyang ngumiti; ano pa nga bang mahihingi ko? Pero mayroon paring isang katanungan na paikot-ikot sa aking isipan. Maya-maya, sinasabi ko sa aking sarili, “Hindi, hindi mo sya mahal!” Ngunit kung hindi  ko sya minamahal, ano itong pinagdaraanan ko?

Bawat sandali, iniisip ko siya. Ngunit kinakailangan ko pang ituon ang aking panahon sa mga bagay na nagaganap nung prom. Habang naghahanda para sa cotillion, nagaalala ako at baka mamali ako. At ng nagsimula na ang tugtog, Nagkamali ako.. nagkamali ako… Pero hindi iyon malaking isyu para sa akin. Kahit na maraming nakakatapak sa gown ko, ang pinagtatanto ko ay kung ano ang gagawin ko sa oras na yayain nya ako at isayaw.

Sa wakas, binuksan na ang socials. Tila nakasinturon sa aking upuan, inaamin ko… umaasa ako. Gaya ng iba pang mga dalaga sa apat na sulok ng hall na iyon, nagiintay ako para sa isang sinple ngunit hinid maikukumaparang sayaw sa gabing iyon.

Matapos ang ilang sandali, nakaramdam ako ng damdamin na tumulak sa akin para masabing, “hmmm, wala syang balak na isayaw ako.” Kung sasabihin ko kung siya ba ang unang sumayaw sa akin ng gabing iyon, magiging madali na sa inyo ang hulaan kung sino iyon at mawawalan na ng saysay ang paglalahad na ito.

Kung ano ang pinakakinaiinisan ko ng gabing yun ay itong napakatorpeng lalaki. Ang lalaking siya sanang magiging first dance ko… Siya sana tong maguumpisa ng saya at kukumpleto sa gabi ko. Kabaiktaran ang ginawa niya. Pero sa aking pagkagulat, nakaramdam ako ng isang di natural na pakiramdam., naramdaman ko ang bagay na kung tawagin ng iba ay – kuryente!

Ang tanong ay kung kanino?

At ng mawala sa kamay ng torpeng binata ang makasayaw ako, ang nagging una kong kasayaw ay isang nakakatuwang magmahal na lalaki, pangalawa ay ang nakakatawa kong kaibigan, sumunod ang aking dating hinahangaan, ang kasintahan ng matalik kong kaibigan, ang lalaking itinuturing akong nakababatang kapatid, at marami pang ibang binata.Pero siya? Maiisipan niya kaya? Maiisipan niya din kaya akong isayaw?

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman! Galit? Pagkalungkot, kaawaan ang aking sarili? “Aaaaaaaahhh!!! Bakit ako nababalisa ng ganito?!

Matatapos na ang gabi, nararamdaman ko na ang pagkatigang sa loob. Ang malamig na pakiramdam na nagdudulot sa akin na humantong sa isang reaksyong emosyonal ng mga tao na nakakarikterasa sa malakas na pagsasawalang kibo ng emosyon o mas kilala sa pag-iyak

Ang isipin na nasa bewang ko ang kanyang mga kamay … Kung hindi kita mahal, Bakit hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman? Bakit ako nasasaktan?

“30 minutes left!”- Gusto ko ng mabasag sa maliliit na piraso.!

“Sa tingin ko, kailangan ko ng tumigil..” Yan ang sinabi ko sa sarili ko.. Kailangan ko ng itigil ang pagpapantasiya. At ng balak ko ng maupo, hinila niya ang kamay ko.

Nagulat ako! At kung hindi niya napansin, namutla ako, parang huminto ng sandali ang oras at mundo ko. Whooo! Hindi ako makahinga! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Hindi ako makapaniwalang nangyayari yoon.
Sa wakas, nakumpleto din ang gabi ko. Hindi ko inaakalang magiging ganun ka di malilimutanan ang prom. Isa itong gabing dapat na maalala ng puso. Marahil masasabi niyong, walang espesyal… sayaw lang yun. Isang anyo ng hinid pasalitang pag-uusap- sandali na nasabi ko sakanya lahat ng hindi ko masabi sa pamamagitan ng mga salita. Sandaling tinanong ko ang aking sarili, “Kung hindi kita mahal…. Eh bakit napapangiti mo ko ng sobra na hindi kayang gawin ng iba?”

Sino ang lalaking yaon?

Siya, siya ay isang matamis na anghel na depinisyon ng saliatng pagmamahal.



..."Kung hindi kita mahal..."






isinulat ni: Justin Mae Lico Aguilar

No comments:

Post a Comment